SCHOOL BATCH

Locate Your Collegiate School Batch
 
HomePortalCalendarGalleryFAQSearchRegisterMemberlistUsergroupsLog in

Share | 
 

 Misis Tumanggi sa sex, pinatay ng mister!

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
skyflyergirl
Group Captain
Group Captain
avatar

Number of posts : 45
Registration date : 2007-06-12

PostSubject: Misis Tumanggi sa sex, pinatay ng mister!   Wed Aug 15, 2007 12:39 am




I got this from a journal from the Philippines this morning and
this is no joke. Just warning all the wives out there!
(including me!) silent



August 15, 2007 05:37 PM Wednesday
Article read 494 time(s)

'Misis' tumanggi sa sex, pinatay ng 'mister'!

By: Gil Aman

DAHIL sa matinding galit nang hindi mapagbigyan sa pakikipagtalik, sinakal ng mister ang kanyang misis hanggang sa mapatay sa kanilang tahanan sa Barangay Sta Maria, San Pablo Cit, kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ni P/SSupt. Felipe Rojas Jr, Provincial Director ng Laguna PNP, ang biktimang si Salvacion Manlapaz, 34, tubong Masbate at residente ng nasabing lungsod. Maitim na umano at wala nang buhay nang lubayan nito ng sakal ang asawa.

Arestado ang suspect na si Diony Manlapaz, 33, magsasaka, nang ipagta-pat sa kapatid ang ginawa sa misis. Sising-sisi ito ngayon sa ginawang pagpatay sa biktima.

Sa imbestigasyon ng San Pablo City police, nabatid na apat na buwan umanong nagbakasyon ang biktima sa kanilang probinsiya sa Palawan dahilan para kasabikan ng mister ang pinakasasabikang pagtatalik nito.

Kamakalawa umano ay bumalik ang misis galling sa pagbabakasyon at kahit umano gigil na gigil na mister sa asawa ay hinintay pa nitong makatulog ang lahat ng anim na anak upang makapag-sex sa misis.

Gayon man, sa unang tangka pa lamang ng mister ay tumanggi na agad ang biktima dahil pagod umano ito sa biyahe at nagpaliwanag na wala siya sa mood sa pakikipagtalik.

Dahil dito, isang mainitang pagtatalo ang naganap hanggang sa mauwi sa pananakit. Sinabi ng suspect na lubos umano ang awang naramdaman niya sa sarili nang tanggihan siya ng misis at inaming nagduda siya na may ibang lalaking gusto ang kanyang asawa.

Nagdilim na umano ang kanyang isip sa labis na selos, hinila niya sa silid ang misis, tinakpan ng unan ang mukha saka sinakal nang todo.

Nanlalaban umano ang biktima subalit hindi umano ito naging dahilan para itigil niya ang pananakal hanggang sa manlupaypay at tuluyang mamatay ang asawa.

Matapos nito ay lumabas ng bahay ang suspect saka ikinuwento sa kanyang kapatid ang pangyayari bandang alas-4 ng madaling araw kahapon. Agad namang ipinaaresto ng kapatid ang suspect.

Kasong parricide ang isinampang kaso ng pulisya laban sa suspect na kasalukuyang nakakulong sa San Pablo City Jail.


Lesson? NEVER SAY NO OR YOU WONT LIVE TO SEE TOMORROW! chair
Back to top Go down
View user profile
$afe
Commodore
Commodore
avatar

Number of posts : 126
Localisation : Doha, Qatar
Registration date : 2007-06-04

PostSubject: Re: Misis Tumanggi sa sex, pinatay ng mister!   Thu Aug 16, 2007 6:53 am

parracide? maliit pa yan sa insekto d ba? lmfao

_________________
SAFE is the NAME 𺰘
Back to top Go down
View user profile http://www.schoolbatch.com
skyflyergirl
Group Captain
Group Captain
avatar

Number of posts : 45
Registration date : 2007-06-12

PostSubject: RA 8353   Tue Aug 21, 2007 5:46 am

Just a word of caution to all the married people out there! humping
THE REPUBLIC ACT 8353
1. Marital rape is impliedly recognized. Rape committed against the wife, also known as marital rape, is impliedly acknowledged under the new law, which provides that the subsequent forgiveness by the wife as the offended party, in case its the husband who is the offender, shall extinguish the criminal action or the penalty. (Article 266-C)



$afe wrote:
parracide? maliit pa yan sa insekto d ba? lmfao
Back to top Go down
View user profile
$afe
Commodore
Commodore
avatar

Number of posts : 126
Localisation : Doha, Qatar
Registration date : 2007-06-04

PostSubject: Re: Misis Tumanggi sa sex, pinatay ng mister!   Wed Sep 05, 2007 11:48 pm

kaya pala nauso ang rape.. at nauso rin ang silya elektrika hell

_________________
SAFE is the NAME 𺰘
Back to top Go down
View user profile http://www.schoolbatch.com
Sponsored content




PostSubject: Re: Misis Tumanggi sa sex, pinatay ng mister!   

Back to top Go down
 
Misis Tumanggi sa sex, pinatay ng mister!
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
SCHOOL BATCH :: Suggestion Box :: Improvements-
Jump to: